Top Ad 728x90

, , ,

Ang mga Uri ng Pasahero sa Jeep

Ang mga Uri ng Pasahero sa Jeep is a compilation of different commuters that we encounter everyday. Public Utility Jeepneys (PUJs) have been travelling the Philippine roads for as long as I can remember; hence, given the title "King of the road" (Hari ng Kalsada). Whenever I ride a Jeepney, I can't help but notice my co-passengers, especially the ones who're sitting beside me. Some would make you laugh, some would irritate you, and some you wouldn't even notice.

ARAL MODE
Ito ung mga taong di nag rereview sa bahay.. laro ang inatupag or nuod ng movie buong gabi..Wala silang pakialam sa mga nangyayari sa jeep basta focus sa pagrereview, may exam kasing dapat ipasa. partida maglalabas pa yan ng calcu. or sa jeep na din gagawa ng kodigs.. imba naman.. lantaran??


AMNESIA BOY
Ito naman yung mga pasaherong bigla na lang magsasalita ng "asan na ko?" kadalasan nito yung mga nakakatulog (karaniwan lasing) nangyare lang to nakaraang araw lang sa Alabang Terminal ng jeep papuntang Cavite bigla na lang nagtanung yung lalake "asan na ko?" Sucat na ba to?


WAPAKELS
Sila ang grupo ng pasahero na WALANG PAKIALAM sa mga kapwa nila pasahero. basta sila chickahan to the max, tawanan, kulitan, harutan, bastusan. malalaman mo na lang nangyari sa buhay nila that day sa ingay nila. madalas ang mga ito ay estudyante or magkumare/magkumpare or pamilya.


SPOTTER
Sila naman yung pasimple kung sumulyap o tumingin. pwedeng babae o lalaki. kung babae madalas sumisimple pag pogi yung lalaki at pag nilingon siya o tiningnan ng tinitingnan niya eh iwas tingin siya. at isa pang klase ng spotter ay yung lalaking manyak. makakita lang ng konting awang eh babalik-balikan ng tingin hanggang bumaba ang minimanyak ng tingin.


BANAL NA ASO, SANTONG KABAYO
Kadalasan isang ale na may hawak ng rosaryo at ngdadasal habang tumatakbo na un dyip.. kailangang nakalitaw un rosaryo para makita ng iba un paglipat ng button ng rosaryo sa bawat hail mary, holy mary, and glory be.. ang masakit, pag pumara at hindi agad naihinto ng driver, puro *&^%$## aabutin ng pobre.


BUKAKA KING AND QUEEN
Sila ang mga taong feeling nila sumakay sila ng taxi o nabili na nila ang jeep. Ang sikip na nga at pilit mo na silang sinisiksik ayaw parin nilang iayos ang pagkakaupo. Iisang pwet na nga lang upo ko eh.. kahit anung usog mo. bukaka pa din ang mga ungas..


HIGH BLOOD
Sila ung mga taong galit lumampas lang ng konti sa babaan nila.. ayaw maglakad..Bawal nga po dun magbaba kasi po huhulihin si manong drayber. Lumampas lang po ng kaunti galit agad? hahaha kung mahuli kayu, mas abala sayo di lang sa sayo pati sa iba...


KAYOD KALABAW
Sila ang mga chikiting na humihingi satin ng konting barya.. ung iba meron pa nga sobre... last week nakaranas ako nyan sa may quirino.. pinunasan pa nya ung mga sapatos nung nakasakay.. eh walang nagbigay.. ayun inapakan nya ulet ung mga sapatos sabay baba.. imba noh?


TIGHT ANG BUDGET
“Manong kulang pa ng Piso!” hahaha Sila ang mga pasaherong tight ang budget. Although wala namang masama sa pagtitipid. Kaso lang sisigaw pa yan at sasabihin kay mamang drayber na hindi cya tamang magsukli at malalaman mo nalang PISO lang pala ang kulang.. galit pa yan tapos masama tingin...


MEGAPHONES
Sila ang nagbibigay buhay sa loob ng jeep, maliban nalang sa soundtrip ni kuya drayber na kadalasan ay love song o kaya naman ay remix ng kung ano anong tugtugan (gangster pa kadalasan). Haha. Napakalakas ng boses nilang mag-usap, e magkatabi / magkatapat lang naman sila. At eto pa hindi pa nakuntento at tatawa pa yan. Hanggang sa pagbaba walang bukang bibig kundi ang maiinit na topic sa buhay nila..


SNIPER WITH ANTENNA
Ito mga taong pagnakakakita ng boobs ay halos ayaw ng mahiwalay ng mata dun sa tinitignan nya kesyong makita sila nung katapat..at ang matindi pa dito ay talagang lalapit siya makita lang ang kaloob looban.garapalan ..LOL..yung tipong antenna na lang kulang eh cable na pinapanood..


COMATOSE
Sila ung mga taong ayaw mag abot ng bayad.. kahit manigas at mangawit pa kili kili nung nag babayad ayaw pa din kunin.. Itong si kalikot sa bag, nag tetext at kung anu pang palusot.. kaasar yun.. pag ako nilalakasan ko boses na nakaharap sa kanya para matauhan..


BUDOL - BUDOL
Hindi sila holdaper at lalong hindi snatcher. Hahaha. Sila ang mga pasaherong nagkukunwaring tulog, nagttxt, may kausap sa phone, taga-abot ng bayad at kung anu-ano pang pagkakabusyhan. Basta’t hindi lang mahalatang di pa siya nagbabayad. huli ako nakakita ng ganito nag suntokan sila nung driver.


SIKSIK PA
O tatlo pa.. tatlo pa…” edi sakay ka naman. Malalaman mo nalang na wala ka na palang mauupuan kundi ang napakaliit na espasyo na kahit ang binti mo ay hindi na ata magkakasya. kahit wala na sisiksik pa din.. makasakay lang..kaw naman syempre uusog kahit wala na uusugan..


JUSKOPO
Ito nman ang uri ng pasahero na nakasakay sa PATOK* jeep na buma-banking. sila un walang ginawa buong oras na nakasakay sa jeep kundi, manalangin at awayin un drayber hangang mkababa sila sa pupuntahan nila or mapababa ng wala sa oras.(eh bat nman kasi nasakay s patok eh takot nman pala)


IDLE MODE
Hala sige nganga pa at papasukan na yang bibig mo ng langaw. Isaka talagang certified MASA ka masandal tulog!. No wonder at up and down and movement ng ulo mo at maya-maya babagsak na yan sa balikat ng katabi mo. Or bigla ka nalang mapapayuko ng sobra na tila gusto mo ng ilapit ang ulo mo sa tyan mo at biglang <boom!> Magigising ka nalang at magkukunwaring parang walang nangyari. Either kukunin mo ang phone mo or may ichecheck kunwari sa bag! hahaha

PACUTE
Sila ung mga mukhang unggoy na feelingers na akala mo si Adonis na kung mag pacute sa mga chiks eh garapalan na ...


BIG FAT MEANY
Mga pasaherong binabayad lang ay isa pero ang sakop ng katawan nila LIMA. Yung mga malalaki pwet dyan..


TIKTAK
Ito yung mga pasaherong maya-maya ang tingin sa orasan. marahil ay dahil late na sila. Sila un mga papasok sa school or sa office ng maaga na ilang minuto na lang ang nalalabi or me kaappointment or kadate. sila yung madalas badtrip sa jeepney driver na hinto ng hinto khit wala naman nasakay or nababa. mas lalong badtrip sa traffic at sa jeep na kung kelan nagmamadali sila eh sya nman biglang mgpapagas pa yun jeep.... oh diba badtrip!


ANG TULAY
Sila yung kawawa ngunit mabait na pasahero na naging daan upang maiabot ang bayad sa driver.


THE STORYTELLER
Yung dinadaan sa kwento ang driver para makalibre sa pamasahe.


JUAN TAMAD
Ito naman yung pasaherong sumakay ng jeep tapos pag nagbayad sa driver, ang saasabihin ay 'Malapit lang po.' (nilakad mo nalang dapat)


TAMANG HINALA
Sila naman yung pasaherong pasakay na pero pag nakitang mukhang goons ang mga nakasakay eh hindi na sasakay. o kung may sumakay na mga mukhang goons eh bababa ang tamang hinalang pasahero dahil natakot.


STUNT MAN O WOMAN
Sila yung tanging pasahero na laging alisto @ gusto nila laging sa dulo ng jeep o sa tabi ng pinto sa harap..dahil kapag oras na may nangholdap bigla silang tatalon kahit tumatakbo pa ang jeep syempre gugulong sila according sa scene hehehe.. pero 50-50 buhay nila kasi misan sa gitna na ng kalsada gulong nila imbes sa tabi .


SPECIAL MENTION
Si manong driver na walang tiwala sa mga pasahero nya kadalasan mga studyante sangkot dito..makakarinig ka ng "O sino pa walang bayad dyan malapit na tayo" o di ba kapal muks hehehe..


THE ARTIST
Ito yun pasaherong laging nakadungaw sa bintana,feeling the presence of the air, nag-eemote. Parang nagshoshoot lng ng music video


SON-OF-INERTIA
Ito yung mga manyakis na gumagamit ng Inertia sa panya-nyansing, kunwari malakas ang preno kaya todo react sa pangyayari makayakap lang o makasandal sa chicks.


KAPITAN BASA
Sila yung pasaherong mahilig makibasa. sa umaga, nkikibasa sa dyaryo ng may dyaryo...yung iba naman na matitindi eh un nakikibasa ng text ng may text, kulang na lang na sya na un mgreply sa katext mo.


FULL LOADER.
Eto naman yung pasaherong full loaded ang sakay, chicharon, sitsiriya, kahon ng delata,tumagas na dugo ng isda, at kung anu anu pa. kadalasan ay tindera


ABOT-YAMAN
Yung taga abot ng bayad ng bayan, kadalasang naka pwesto ito sa likod ng drayber.


BOMBERMAN
Sila yung mga amoy putok na kahit gabi na amoy tanghali pa.


INAHIN
Ito yung mga maiinit na pwet nililimliman ung upuan.


SIKO KING
Mga lalaking ginagamit ang siko pra makatyansing sa katabing tsiks


THE STATUE
yung pasaherong inaabutan mo ng bayad ngunit walang reaksyon, parang nakiusap ka sa isang statue.


MMK
Ito yung klase ng driver na madaldal mahilig magkwento tila feeling si "Charo Santos"..


ROCKSTAR
Sila naman yung mga pasaherong laging naka-headset at walang paki sa ibang tao dahil nag-iimahinasyon sya ng sarili nyang concert.


SPIDERMAN
Ito naman yung kahit maluwag sa loob eh gusto ng sabit.. kesyo masikip, "malapit lang ako", "mainit sa loob", "nagyoyosi ako ", un pala walang pambayad.. tatalon na lang bigla sabay thank you.. ( un iba kakatukin pa un bubong ng malakas para tumigil un dyip.. kala mo naka post paid sa driver kung maka para )


HIT and RUN
Ito yung mga taong pasimpleng tumingin lalo na kung maiksing palda na ang involved...Sisilip saglit sabay tingin sa ibang tanawin


I bet everyone of us has came across these type of passengers; Even there you have been one of them, for all you know.   Check out more Tagalog Jeepney Jokes HEREYou can also visit Boy Banat Official Facebook page for latest quotes, jokes and banat lines.

2 comments:

  1. Meron pa!

    Halted... Looked Baba-sila yung mga pasaherong bigla na lang bumababa ng hindi nagsasabi ng para kapag naka red na ang stoplight, sobrang bagal ng usad ng jeep o kya nka stop pa dahil sa enforcer pero medyo itong delikado dahil hindi alam nung driver na may bababa na pasahero. At gawain ko rin ito.

    ReplyDelete
  2. "The Gardener"
    Tuwing umaga ito. Sila naman yung mga NAGSUSUKLAY ng mahahabang basang buhok sa loob ng Jeep. Usually wala silang pakialam kung matalsikan ang mga kapwa pasahero na parang nagdidilig lang ng Tao.


    "Shampoo Advertiser"
    Sila naman yung feel na feel maglugay ng buhok sa loob ng Jeep at kapag humangin, lipad ang mga Kuto sa katabi. Wala na rin pakialam kahit maisubo na ng katabi ang buong buhok nito.


    "Tetris"
    Kadalasang nangyayari ito kapag siksikan na ang pasahero, at may kabababa lang na Isa. Hinihintay mong umusod ang katabi pero imbes na umusod, nagSlanting pa ng upo. (Kulang na lang i-angat na ang Paa sa bangko)


    "Jungle Book"
    Ito naman yung relax na relax sa Jeep. PagAngat ng kamay ay labas lahat ng mahahabang buhok sa kilikili. (Mag-gupitgpit naman kahit konti) :D :D


    Wait, there's more... :D

    ReplyDelete

Top Ad 728x90