Top Ad 728x90

,

Mga Bwiset sa Buhay na Kilala Mo

Mga Bwiset na Kakilala Mo is a list of people that you find annoying or ruining your good mood. There are people in life who can really ruin your day. They are either exasperating, bothersome or just simply irritating to deal with especially when they are part of your circle of friends. Well, even if you try to avoid them, still, these people will find their way to distract you no matter what.

We have enlisted the type of people that are really irksome and wish you could find a way to keep distance from them. You may know someone of these types and you'll definitely can relate to this compilation of Mga Bwiset na Kakilala Mo :
KILALA KA LANG PAG MAY KAILANGAN

May pagkakataon na naglalakad ka at makakasalubong mo sya, para kang ahente ng meralco na naniningil at iwas-iwasan ka, Pero pag may kailangan na sya, ayun para ka ng commercial ng KFC na hahanap-hanapin ang sarap. Ganyan ang iba na kilala ka lang kung may kailangan sayo, pero kung wala, Dedma ka!

KAIBIGAN KA LANG PAG MAY PERA KA

Meron ka ba kakilala na kabisado kung kelan sweldo mo? meron kasi ganyan tao na itinuturing ka nya kaibigan pag meron ka (pera) na parang ang bango-bango mo sa pang-amoy nila. Pero kung sa oras naman ng kailangan mo ng tulong eh para silang utot na bigla na lang nawawala.


KAHIT BINIGYAN MO NA MADAMOT KA PA

Yung iba nman abusado. Meron tao binigay mo na lahat para sumaya sya pero kulang parin. Parang Pag-ibig


MASAMA ANG LOOB KPAG HNDI MO NAPAGBIGYAN

Meron tao kapag hindi mo napagbigyan o nabigyan sa gusto nila, sila na itong nakikisuyo eh sila pa itong may ganang magalit eh.

HINDI MARUNONG MAGPASALAMAT

Meron naman tao na pagtapos mo bigyan. Sabay alis! Bye friend!

INGGETERO AT INGGETERA

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi umaasens ang tao, dahil sa mga Inggitero at Inggitera dyan. Imbes gumawa ng diskarte para umasenso rin sila, gagawa pa ng paraan yan para higitan ka. Ang resulta? Nga-Nga silang mga Inggitero at Inggitera dyan! hehe

NAGTATAGO KPAG SIYA ANG MERON

Pag ikaw meron, madali ka hanapin ng may kailangan. Pero pag sila  ang meron sila naman napakahirap hanapin. Tao nga naman!

HINDI NATUTUWA KAPAG UMANGAT KA

Pag ang isang tao umasenso, yung ibang tao imbes na matuwa eh, gusto bumaba ka tulad nila. Minsan kahit kamag-anak mo na sila pa ang nasa unahan para pabagsakin ka. Kaya tuloy sila rin ang hindi umaasenso eh.

MABAIT SA IYO KAPAG HUMIHINGI NG PABOR

Madami ganito, ang hilig humingi ng pabor kapag sila may kailangan. Pero pag ikaw naman hihingi ng pabor, ayun ang haba ng nguso abot lupa.

KAIBIGAN KA DAW PERO NILALAGLAG KA

Tandaan "Marami kang kaibigan pero iilang lang silang Totoong Kaibigan" na sa oras ng pangangailangan ay nandyan para damayan ka.

NAG-IIMBENTO NG KWENTO SA IBANG TAONG KAUSAP, PARA MAPAG-TAKPAN ANG MASAMANG UGALI NIYA.

Meron kapag kaharap mo kala mong kung sinong Santo kung kausap mo, eh pagtalikod mo ayun katakot-takot na kasinungalingan ang iimbentuhin para lang mapalabas na sya ang mabuti at ikaw ang masama


Do you have your own Mga Bwiset na Kakilala Mo? Feel free to share them with us and we will be very glad to have them posted here. Just post it on comment below or contact us here. You can also visit Boy Banat Official Facebook page for latest news and feeds.

0 comments:

Post a Comment

Top Ad 728x90