Top Ad 728x90

, , ,

Mga Patama Quotes ni Marcelo Santos III

Mga Patama Quotes ni Marcelo Santos III is a great selection of very timely and love inspired quotes that will surely strike you right-through-the-bone. Have you ever loved and lost somebody? Loved a person who can't love you the way you do?  You've been trying to move on from all the heartaches but it's hard for you because that someone has given you so much to remember. That's life and what you need is to understand that there are things that you cannot have. People come and go and you have to admit that.

For all the avid fans of the author of Para Sa Hopeless Romantic, this read will give you the best of Patama Quotes from Marcelo Santos III. Hope you'll like it!

Grabe, siksikan talaga sa MRT.. ang daming tao. Yung umupo ako, may sumiksik na lalaking mataba. Buti na lang payat ako. Asar na asar talaga ako kasi naiipit na yung hita ko. Namanhid nga eh. The lesson is: “Wag mong ipagpilitan ang sarili mo para hindi ka makasakit ng ibang tao.” (applicable pala yan sa LOVE) :) Sapul na naman. :)

*     *     *     *     *

Ang mahalaga naging masaya ka.
Ang mahalaga, kahit wala na siya,
Nasa puso mo pa ang mga alaala.


Sabi nila, masama daw ang LOVE TRIANGLE. Nakakasira daw ito ng relasyon.. pero may isang love triangle na nakakapagpatatag ng relasyon. Alam niyo kung ako? ikaw, ako at yung nasa TAAS. :) Have a nice day ahead. Keep God at the center of your relationship.


Maaaring walang forever pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, maparamdam ko lang sa’yo ang happily ever after.

*     *     *     *     *

Lahat ng tao napapagod. Nagkakasakit. Nanghihina. Ang PUSO ay parang TAO. Ang kaibahan nga lang, kapag ang tao nasaktan o nagkasakit, nandiyan ang tindahan para makabili ng gamot.. pero ang PUSO, mahirap makahanap ng lunas sa sakit na idinulot ng pagkakataon, pag-ibig at tadhana.

*     *     *     *     *

Naniniwala ako na kahit sino at ano ka pa, deserving ka sa pag-ibig na hinahangad mo. Huwag mong sabihin na walang nagmamahal sayo o wala nang magmamahal sayo dahil lahat tayo may sarisariling happy endings.. lahat tayo deserving ang “..and they lived happily ever after.” Kaya huwag mawalan ng pag-asa. Nandiyan lang siya. Malay mo katabi mo na pala o nakita mo na kanina o matagal mo nang kaibigan o kakilala.

*     *     *     *     *

Para sa mga “TORPE”.. sabi nila, kung gusto mo daw tumama sa LOTTO, kailangan mo munang tumaya. Kailangan mong magbayad..magbakasakaling manalo ka. Pero katulad ng lahat ng laban, may talo at panalo. Pero ang mahalaga ay yung SINUBUKAN mo. Baka kasi mananalo ka talaga tapos hindi mo nataya.. magsisisi ka lang habangbuhay.

*     *     *     *     *

Kapag may di pagkakaunawaan..
huwag sumabay sa init ng ulo. Kaya nga dalawa ang tenga natin para dapat mas makinig tayo kesa sa isang bibig na salita ng salita.
Hindi mareresolba ang problema kung gusto niyong kayo palagi ang panalo o ang tama. Makinig. Umunawa. Magpakumbaba.
Matutong tumanggap ng pagkakamali.

*     *     *     *     *

Bakit kung sino pa yung mahal natin, sila pa yung hindi natin pedeng makuha? Dahil you can’t always get what you want. At ang lahat naman na nakukuha natin ay yung mga bagay na deserve natin. Maybe, hindi siya yung para sa’yo.

*     *     *     *     *

Bakit ganun no? Kapag boyfriend and girlfriend, gusto best friends ang turingan, pero kapag best friends, hindi pwedeng boyfriend and girlfriend ang turingan.

*     *     *     *     *

Ayos lang ang umiyak. Ayos lang yung magdrama at magsisigaw. Pero kapag tapos ka na, kapag pagod ka na,kapag nailabas mo na ang lahat, pahinga mo muna yung mga mata mo sa kakaiyak, pahinga mo muna yung bibig mo kakasigaw, pahinga mo muna yung utak mo kakaisip, magpahinga ka na lang muna.

Kapag nailabas mo na ang lahat ng sakit, galit at poot, ready ka na muli sa bagong simula. At mas makikita mo na ulit ang mga magagandang kaganapan sa buhay mo. Yung mapapaiyak ka sa sobrang saya, yung mapapasigaw ka ng salamat dahil sa mga blessings, yung maooverwhelm ka sa kakaisip sa mga taong nagmamahal sa’yo.

*     *     *     *     *

Kung pwede lang talagang baguhin ang nakaraan,
Siguro, nasa harap na tayo ng altar ng simbahan.


If you have your own Mga Patama Quotes ni Marcelo Santos to share? Feel free to Contact Us and let more readers relate. Will be glad to have them posted here. You can also visit Boy Banat Official Fanpage for latest news and feeds.

3 comments:

  1. whooooooooo grabe sobrang natamaan ako dun ah haayyyysss ang mga quotes nga naman parang ligaw na bala d para sakin pero natamaan ako huhuhuhuhu

    ReplyDelete
  2. paano kapag may mahal nang iba yung mahal mo? aasa ka pa ba o susukuan mo na?

    ReplyDelete
  3. "SUSUKO NA" Kasi hindi lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban.

    ReplyDelete

Top Ad 728x90