Top Ad 728x90

Showing posts with label Bob Ong Quotes. Show all posts
Showing posts with label Bob Ong Quotes. Show all posts

Bob Ong Best Diskarte and Bob Ong Tips in Courtship

by
Bob Ong Best Diskarte and Bob Ong Tips in Courtship is a collection of advises and tips from Bob Ong, a contemporary Filipino author who is popular for writing creative, and reflective of Filipino life. Bob Ong is just a pseudonym and his real identity remains mysterious, though. Some of his famous works are ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? and Stainless Longganisa.

Bob Ong is best known for his cheesy and patama quotations about love found in his books. The element of comedy and the depiction of a typical Filipino life are the factors that make avid readers to patronized Ong's books. Well, he is not just confined with cheesy lines and quotes but he indulged in giving advice and tips on how to win someone else's heart.

Here's some of Bob Ong Best Diskarte and Bob Ong Tips in Courtship that you could share with your friends for a winning move to take a girl's heart away.

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong babae na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In-Love na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
Matt



- ANG REPLY -

Dear Matt,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Anong era ka ba pinanganak?

Pero don't worry. It's not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:



1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box, yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na Omega 8. Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: "Because you're good for my heart."

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: "I miss hanging out with you."

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, "Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa'yo."

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung with Omega 8; Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo: "natunaw na kakatitig sa'yo."

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: "Walang kulay ang buhay kung wala ka".

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng "Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!"

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo, "Para pag nagkabanggaan ang puso natin."

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: "Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa'kin."

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "Ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " Ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na "Don't leave your valuables unattended".

Handang Tumulong Lagi,
Bob Ong


Other search terms:

Patama Quotes by Bob Ong

by

Check out this extensive collection of inspirational and the latest Patama Quotes by Bob Ong. If you have your own favorite Patama Quotes from Bob Ong or other writers, we would love to hear it, simply add a comment below or just email it to us with a subject: patama bobong, and will posted up for you. For entertainment purpose only and hope you'll like it!

Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo… ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa.

*       *        *        *         *

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang.

*       *        *        *         *

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.



Hiwalayan na kung di ka na masaya.
walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

*       *        *        *         *

Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin

*       *        *        *         *

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

*       *        *        *         *

Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo.
Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.

*       *        *        *         *

Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.

*       *        *        *         *

Kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka..
kc ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako…

*       *        *        *         *

Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

*       *        *        *         *

Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.

*       *        *        *         *

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

*       *        *        *         *

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.


*       *        *        *         *

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.


*       *        *        *         *

Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

*       *        *        *         *

Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.


Who is Bob Ong?
Bob Ong is “a publishing phenomenon whose blockbuster book sales are equaled only by the anonymity he maintains”. 

Apparently, the author hides behind the name Bob Ong and no one knows who is really is. His publisher protects his identity, although Ong says some of his fans have met him.

This lends an air of mystery and people become more intrigued and curious. His work say that his writings are both humorous and insightful, has wisdom, humor and a flair that appeals to our Filipino way of thinking. 

Ong started a website called Bobong Pinoy that even received a People’s Choice Philippine Web Award for Weird/Humor in 1998. 

The success led him to publish his writings, thus the books, and all five together massed a quarter million copies sold. Not bad for someone “unknown”. SOURCE

Other search terms:
  • bob ong love quotes
  • patama quotes ni bob ong
  • bob ong love quotes tagalog
  • bob ong quotes boy banat
  • bob ong quotes on life
  • bob ong books full download

Top Ad 728x90